Martes, Oktubre 23, 2012
Saan ka na?
Sa pagmamahal,
lahat tayo ay nasasaktan, nahihirapan..
Ang bawat bagay ay kailangan matutunan,
May mga bagay na dapat tayong tanggapin kahit tayo'y masaktan,
dahil hindi lahat ng gusto natin ay ating makakamtan
at hintayin natin ang bagay na sa atin ay nakalaan..
Sa twing ako'y nag iisa
ikaw ang aking naaalala.
sa tuwing ako'y bumabalik sa nakaraan na ikaw ang kasama,
magkahalong tuwa at lungkot ang siyang nangunguna.
tuwa dahil hanggang ngayon ay mahal kita,
at lungkot naman dahil alam kong wala ka na.
Nasan ka na nga ba aking sinta?
sana maisip mo na hanggang ngayon akoy umaasa.
umaasa na minsan pa ay magiging akin ka,
umaasa na dadating ka..
Ako ay umaasang akoy iyong muling mamahalin,
at may tanong sa aking puso na "kailan ka kaya babalik sa akin?"
sana naman dinggin ang aking panalangin
at kung muli kang dadating
Linggo, Oktubre 21, 2012
"Sakit Dulot ng Pag-ibig"
Sa pagmamahal,
lahat tayo ay nasasaktan, nahihirapan..
Ang bawat bagay ay kailangan matutunan,
May mga bagay na dapat tayong tanggapin kahit tayo'y masaktan,
dahil hindi lahat ng gusto natin ay ating makakamtan
at hintayin natin ang bagay na sa atin ay nakalaan..
Matuto ka lang mag hintay
ang lahat sayo ay ibibigay..
Ang para sayo ay hindi magiging kanila
At ang para sa kanila ay hindi magiging sa iyo..
Biyernes, Oktubre 19, 2012
"Tears"
By: Carl Joseph Bumanlag Esteban
Binasag ng katahimikan ang aking umaga
Gising ang aking diwa ngunit sarado ang aking mga mata,
ang tanging naririnig ko ay huni ng ibong maya
pilit kong minulat ang aking mga mata,
ngunit hindi maalis sa puso't isip ko ang pangamba
pangamba na sa aking pag dilat ay ikaw ang makita.
Gising ang aking diwa ngunit sarado ang aking mga mata,
ang tanging naririnig ko ay huni ng ibong maya
pilit kong minulat ang aking mga mata,
ngunit hindi maalis sa puso't isip ko ang pangamba
pangamba na sa aking pag dilat ay ikaw ang makita.
Ilang araw na ang nakakalipas ng ako ay iwan mo
at ang tanging sabi mo sakin ay ipag patuloy ko ang buhay ko
at makakahanap pa ako ng mas lamang sayo
at ngayon nga ay pinagpatuloy ko ang buhay ko,
kahit na may nananatiling sugat ang puso ko.
At sa aking pag dilat,
tubig ang syang nag painit ng muka ko na nagmula sa mata kona animoy may gumapang na mainit na tubig sa pisngi patungo sa labi ko
kasabay nitoy pagbagal ng tibok ng puso ko
na parang pinapatay sa sakit ng akoy iniwan mo.
naalala ko nga nung oras na akoy nag mamakaawa
binigkas ang salitang "Pakiusap wag kang mawawala"
nagawa ko ang bagay na ito dahil sa labis na pagmamahal ko sayo
at hanggang ngayon ako ay umaasang babalikan mo
nag hihintay sa muli mong pag dating
at umaasang ako ay muling mamahalin.
-https://www.facebook.com/carljoseph16
Mag-subscribe sa:
Mga Komento (Atom)