By: Carl Joseph Bumanlag Esteban
Binasag ng katahimikan ang aking umaga
Gising ang aking diwa ngunit sarado ang aking mga mata,
ang tanging naririnig ko ay huni ng ibong maya
pilit kong minulat ang aking mga mata,
ngunit hindi maalis sa puso't isip ko ang pangamba
pangamba na sa aking pag dilat ay ikaw ang makita.
Gising ang aking diwa ngunit sarado ang aking mga mata,
ang tanging naririnig ko ay huni ng ibong maya
pilit kong minulat ang aking mga mata,
ngunit hindi maalis sa puso't isip ko ang pangamba
pangamba na sa aking pag dilat ay ikaw ang makita.
Ilang araw na ang nakakalipas ng ako ay iwan mo
at ang tanging sabi mo sakin ay ipag patuloy ko ang buhay ko
at makakahanap pa ako ng mas lamang sayo
at ngayon nga ay pinagpatuloy ko ang buhay ko,
kahit na may nananatiling sugat ang puso ko.
At sa aking pag dilat,
tubig ang syang nag painit ng muka ko na nagmula sa mata kona animoy may gumapang na mainit na tubig sa pisngi patungo sa labi ko
kasabay nitoy pagbagal ng tibok ng puso ko
na parang pinapatay sa sakit ng akoy iniwan mo.
naalala ko nga nung oras na akoy nag mamakaawa
binigkas ang salitang "Pakiusap wag kang mawawala"
nagawa ko ang bagay na ito dahil sa labis na pagmamahal ko sayo
at hanggang ngayon ako ay umaasang babalikan mo
nag hihintay sa muli mong pag dating
at umaasang ako ay muling mamahalin.
-https://www.facebook.com/carljoseph16
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento